-- Advertisements --
image 281

Nilinaw ng Israel na hindi pagpapatakas ng mga dayuhan ang kanilang layunin sa pag sang-ayon sa tigil-putukan laban sa militanteng grupong Hamas.

Kaugnay pa rin ito ng una nang iniulat ng mga Egyptian sources na ang ang tigil-putukan ay tatagal umano ng ilang oras na sinang-ayunan anila ng tatlong bansa. na magbibigay sana ng limited evacuations sa mga foreign passport holders mula sa Gaza.

Pagbibigay-diin ni Israel prime minister Benjamin Netanyahu kasunod ng mga ulat na mayroong kasunduan ang kanilang bansa sa Egypt at Estados Unidos na sumang-ayon sa pagpapatupad ng tigil-putukan sa Gaza upang muling mabuksan ang Rafah border crossing para sa pagtulong sa paglikas ng mga dayuhang naipit sa kaguluhan sa nasabing lugar.

Sa isang pahayag ay nilinaw ng Israeli prime minister na walang ganoong kasunduang nagaganap ngayon.

Habang sa kabilang banda naman ay sinabi rin ng kampo ng militanteng grupong Hamas na wala silang natatanggap na anumang kumpirmasyon mula sa panig ng Egypt hinggil sa mga intensyon nito na buksan muli ang naturang border.

Kung maaalala, una nang sinabi ng Israeli military na naghahanda na ito para sa pagsasagawa ng malawakang operational offensive plans sa Gaza kabilang na ang pagpapakawala ng mga combined at coordinated air, sea, at land strikes laban sa mga teritoryo ng mga Palestine.