-- Advertisements --
image 376

Naglunsad ang Israel ng ilang serye ng air strikes sa Gaza strip bilang tugon sa rocket attacks mula sa Gazan terrorists.

Ito ay dalawang araw matapos mapatay ng Israeli forces ang 9 na Palestinians kabilang ang ilang miyembro ng Palestinian Islamic jihad (PIJ), iba pang gunmen at ang isang inosenteng sibilyan na lola sa West bank refugee camp habang nasa 20 naman ang nasugatan.

Itinuturing ito na isa sa deadliest raids sa occupied West Bank na nangyari sa nakalipas na mga taon.

Ayon sa ilang sources sa Gaza, tinamaan ng warplanes ng Israel ang al-Maghazi refugee camp mula sa pinakawalang 13 air strikes nitong araw ng Biyernes.