Nabigo ang Israel sa kanilang mission sa buwan matapos ang pagsabog ng kanilang spacecraft.

Nagtangka ang Israeli spacecraft na Beresheet ng soft landing pero ito ay nagkaproblema sa kaniyang main engine.

Layon ng kauna-unahang privately funded na kumuha ng larawan at magsagawa ng pag-aaral sa buwan.

Sinabi ng project originator at major backer Morris Kahn na kahit sila ay nabigo ay sinubukan naman nila ang mission.

Umabot sa $100 million ang ginastos kung saan matapos ang pitong linggo ay hanggang 15 kilometers lamang ang layo nito sa buwan at ito ay sumabog.

Tanging mga gobyerno ng Soviet Union, US at China ang nagtagumpay sa kanilang moon landing.