-- Advertisements --

Sugatan ang dalawang sibilyan matapos maglunsad ng air strike ang Israel sa western coast sa Syria.

Ang kaaway ng Israel ay nagsagawa ng air strike malapit sa bayan ng Al-Hamidiyah at natamaan ang isang poultry farms.

Isinagawa ang airstrike mula sa Mediterranean Sea, sa kanluran ng hilagang lungsod ng Tripoli ng Lebanon, at “nagdulot ng pinsala sa dalawang sibilyan, kabilang ang isang babae.

Mula nang sumiklab ang digmaang sibil sa Syria noong 2011, ang Israel ay nagsagawa ng daan-daang air strike laban sa northern neighbor nito.

Ang mga pagsalakay ay naka-target sa mga hukbo ng gobyerno ng Syria pati na rin ang mga kaalyadong pwersa at mandirigma na suportado ng Iran mula sa militanteng grupo na Hezbollah.

Noong nakaraang buwan, ang mga airstrike ng Israel sa Damascus International Airport ay naging dahilan upang hindi magamit ang mga runway nito sa loob ng ilang linggo.

Top