-- Advertisements --
Itinanggi ng Israel na sila ang nasa likod ng missile strike na tumama sa pagamutan sa Gaza at ikinasawi ng mahigit 500 katao.
Ayon sa Israel Defense Forces na base sa kanilang nakuhang impormasyon ay mula umano ito sa Palestinian Islamic Jihad Group.
Nagkaroon umano ng pagpalpak ng kanilang rocket kaya ito ay tumama sa Al-Ahl Baptish Hospital sa Gaza.
Dagdag pa ng IDF na may ilang mga rockets na mula sa Gaza na patungo sa Israel ang dumadaan sa nasabing pagamutan.
Magugunitang kinondina ng Palestinian government ang nangyaring missile strike na tumama sa pagamutan kung saan marami pa ang hindi nakikita matapos na natabunan ng mga gumuhong bahagi ng pagamutan.