-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng Defense Ministry office ng Israel na mayroong mahigit 90,000 toneladang mga kagamitang miltar ang dinala sa Israel mula ng magsimula ang labanan.
Aabot sa 800 na flight ang naganap bago makarating ang nasabing bilang ng mga armas na binili sa US at ilang mga kaalyadong bansa ng Israel.
Kinabibilangan ito ng mga bala, armored vehicles, protective equipment at mga medical supplies.
Magugunitang umani ng batikos ang US dahil sa patuloy na pagbebenta ng mga armas nito sa Israel.
Mula kasi ng simulan ng Israel ang pag-atake sa Gaza ay aabot na sa mahigit 54,000 na mga Palestino ang nasawi at ikinasugatn ng ilang libong katao.