Inamin ng Israel Intelligence head na nagkulang sila at hindi nila agad nalaman ang biglaang pag-atake ng mga Hamas militants.
Sinabi ng Shin Bet ang intelligence agency ng Israel na kanilang inaako ang nasabing kakulangan.
Nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol sa nasabing usapin.
Sa muling pagbabalik ni US Secretary of State Antony Blinken sa Israel ay kaniyang nakasalamuha si Israeli Defense Minister Yoave Gallant kung saan tinalakay dito ang mga tulong ng US sa Israel.
Sinabi rin ni Blinken na pinaplano ni US President Joe Biden ang pagibisita sa Israel matapos na siya ay inimbitahan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Una ng sinabi nito na kanilang tuluyang buburahin ang Hamas Militant at ililigtas ang nasa halos 200 mga bihag ng Hamas militant group.