Nanindigan ang bansang Israel na walang mangyayaring ceasefire sa opensiba sa Hamas militants sa Gaza.
Ayon kay Israeli foreign ministry spokesperson Lior Haiat, ito ang tamang panahon na depensahan ang kanilang bansa at atakehin ang terror infrastructure ng Hamas.
Kailangan daw nilang ipaintindi sa mga Hamas militants na hindi na epektibo sa hinaharap ang paglunsad ng mga rocket attacks kung saan nadadamay ang mga sibilyan.
Reaksyon ito ng Israel matapos sinabi ng senior Hamas official na si Izzat Al Rishq na nakipag-ugnayan sa kanila ang Egypt, Qatar at United Nations para tapusin na ang tensiyon.
Nauna nang humingi ng reinforcement ang Israel sa kanilang 7,000 army reservists lalo pa’t na sa 1,750 rockets na ang pinaulan ng Hamas militants sa Israel.
Umakyat na rin sa 199 ang patay sa pambobomba sa Gaza na kinabibilangan ng 31 mga bata at 19 na babae habang 830 na ang sugatan. (with reports from Bombo Jane Buna)