-- Advertisements --
Ipinakita ng Israel Defense Forces ang mga larawan na kuha nila mula sa tunnel ng Al Shifa hospital sa Gaza na ginawang kuta ng mga Hamas.
Ang nasabing tunnel ay may habang 55 metro at lalim na 10 metro sa Al Shifa hospitals.
Iginiit ng Israel military na maraming mga kuwarto sa nasabing pagamutan ang ginamit ng mga Hamas bilang kanilang command center.
Una ng nilusob at tinamaan ng air strike ng Israel ang nasabing pagamutan na ikinasawi ng mga pasyente at sibilyan.
Itinanggi rin ng Hamas na ginagawa nilang kuta ang nasabing pagamutan.