Maglalagay ng isang isolation facility ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Coast Guard Base Taguig.
Ang proyekto ay sinuportahan na rin ni Transportation Sec. Arthur Tugade, matapos makapagtala ng ilang PCG personnel na nagpositibo sa COVID, habang ginagampanan ang trabaho.
Matatandaang sila ang naatasan na mangasiwa sa ilang quarantine area noong bumuhos ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na bumalik sa ating bansa, pati na ang locally stranded individuals.
Ang gagawing pasilidad ay kayang mag-accomodate ng 224 katao.
Gagamitan ito ng container vans na may kompletong kagamitan para makatulong sa mga nagpapagaling na pasyente.
Nag-install din sa mga ito ng entertainment facility para makatulong sa pagpapagaling ng mga nagkasakit na frontliners.