Inako ng Islamic State affiliate na Khorasan na sila ang umatake sa Sikh temple sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa grupo na ang nasabing atake ay bilang ganti sa insulto na ginawa ng mga ruling Bharatiya Janata Party ng India sa kanilang Prophet Mohammed.
Nauna rito inatake ng pitong armadong suspek ang templo kung saan dalawang katao ang nasawi at maraming iba pa ang sugatan.
Napatay din ng mga Taliban ang nasabing mga suspek.
Bukod aniya sa paggamit ng suicide bomber ay gumamit pa sila ng mga granada sa nasabing templo.
Magugunitang nagsalita ng hindi maganda si Nupur Sharma, ang tagapagsalita ng Bharatiya Janata Party laban kay Prophet Mohammed.
Kinondina naman ng UN Assistance Mission in Afghanistan (UNAMA) ang ginawa ng mga grupo kung saan dapat aniya ay maprotektahan ang mga minority group na nasa Afghanistan.