BOMBO DAGUPAN – Patuloy ang isinasagawang inspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga establisyemento sa Rehiyon uno hinggil sa pagsunod ng mga employers sa General Labor Standards (GLS).
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Justin Paul Marbella, ang Labor Information Officer ng DOLE Region 1, ang top non compliance areas na kanilang naitala ay ang hindi pagtalima ng mga employers sa overtime pay, holiday pay, 13 month pay, at mayroon umanong mga employers na nagpapasweldo ng hindi naaayon sa minimum wage.
Umabot sa kabuuang 2,506 ang bilang ng kanilang nabisita sa buong rehiyon o may porsyentong 86.71%.
Karamihan naman aniya sa kanilang nabisita ay nakitaan naman nila ng pagsunod sa batas ng paggawa partikular sa GLS.
Hindi naman maiwasang makatanggap sila reklamo galing sa mga manggagawa kaya’t patuloy ang kanilang pag-iimplementa ng Labor Inspection Program upang makita ang mga ganitong klaseng concerns at upang ipaabot ang kanilang available na patforms upang agad na maresolba ang mga ito sa ekonomikal na paraan.
Ibinahagi rin ni Marbella na mayroon silang Mandatory Conciliation Procedure kung saan sa tuwing may lilitaw na reklamo sa kanilang trabaho ay hindi dapat agad na umabot sa kasuhan kundi sa madatoryong pakikipagkasundo.