-- Advertisements --
Pinawi ni OIC-Assistant National Statistician Florante Varona ang pangamba ng mga enumerator at ng publiko hinggil sa isinasagawang census.
Sinabi ni Varona sa panayam ng Bombo Radyo na sinusunod nila ang umiiral na health protocols, para matiyak na ligtas sa posibleng hawaan ang mga nagsasagawa ng survey, pati na ang mga mamamayang kanilang kinukunan ng impormasyon.
Gagamit umano ng face mask, face shield at alcohol ang kanilang enumerators bilang parte ng pag-iingat.
Habang ang mga nag-aalangan sa face to face interview ay maaari namang idaan ito sa pag-fill up ng survey form o kaya sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.