-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Humingi ng pang-unawa ang Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1 sa mga member-consumer na maapektuhan sa rotational brownout na ipatutupad sa April 29-30, 2023 para sa gagawing preventive maintenance

Gagawin ito sa mga bahagi Ramon, San Mateo at Cabatuan sa April 29, 2023 habang sa April 30, 2023 sa bahagi ng Cauayan City at Angadanan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engineer Bienvenido Talvo, Department head ng technical services ng ISELCO 1 na ang mga sub-station lang ang magkakaroon ng dalawamput apat na oras na power interruption.

May gagawin silang remedyo para mapailawan ang mga sinusuplayan ng sub-station.

Mayroon silang ibang mapagkukunan ng suplay ng kuryente ngunit limitado lamang kaya ipapatupad nila ang rotational brownout ng anim na oras na interval para hindi mararanasan ang 24 na oras na power interruption sa nasabing mga petsa.

Ayon kay Eng’r Talvo, may commitment ang kanilang contractor na sisikaping hindi abutin ng 24 na oras ngunit hinihikayat nila ang mga consumer na makipagtulungan na huwag munang itodong gumamit ng supply ng kuryente.