-- Advertisements --
download 2 4

Isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan ang namatay sa isang water search and rescue (WASAR) training.

Ayon sa PCG, isang 27-anyos na tauhan ng PCG District Palawan na may ranggong ‘Apprentice Seaman’ ang nawalan ng malay sa gitna ng 100-meter swim.

Napansin kaagad ng mga kawani ng pagsasanay ang sitwasyon at nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation.

Dinala ang nasabing personnel sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang medical aid ngunit idineklara siyang binawian na ng buhay ng attending physician.

Ayon sa mga awtoridad, ang sanhi ng kanyang kamatayan ay hypoxic ischemic encephalopathy secondary to a submersion injury and subsequent arrest pagkalunod.

Dahil dito, ipinag-utos ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan na suspindihin ang lahat ng patuloy na pagsasanay sa water search and rescue (WASAR) training.

Una nang sinabi ni Gavan na susuriin at pagbutihin ng PCG ang mga protocol sa kaligtasan ng naturang pagsasanay.