Ilang mga hakbang naman ang ipapatupad ng pangunahing gateway papasok ng bansa para matiyak ang maayos na biyahe ng mga pasahero sa kasagsagan ng holy week ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon kay Assistant General Manager Bryan Co na nangako ang immigration bureau na magtatalaga sila ng isang task force sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula na sa Sabado, Abril 1.
Nasa 65 hanggang 70 immigration officers ang idedeploy sa mga terminal ng NAIA sa nalalapit na peak season ng Holy week.
Maglalagay din ng karagdagang immigration counters bagamat wala naman aniyang problema dito ay ginawa ang hakbang na ito upang matiyak na din na mayroong sapat na personnel na maidedeploy para maasistihan ang mga pasahero lalo na tuwing peak hours.
Pinayuhan naman ang mga biyahero na darating sa Pilipinas na i-fill out muna ang online forms at isumite ang lahat ng kailangang mga dokumento bago ang kanilang departure mula sa kanilang panggagalinagang bansa para maiwasan ang anumang aberya.
Una ng inihayag ng MIAA na aabot sa 1.2 million pasahero ang inaasahang ddagsa sa NAIA sa nalalapit na holy week.