BAGUIO CITY – Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang isang senior citizen at retired police officer matapos itong makapag-uwi ng apat na gintong medalya mula sa South East Asia Athletics Championship na ginanap sa Singapore.

Nasungkit ni Erlinda Lawandia, 67-anyos, isang retiradong police chief inspector ang apat na gold medals mula sa javeline throw, discuss throw, shot put at hammer throw.

Nakilala pa si Lawandia bilang Best Female Athlete in field matapos niyang talunin ang mga atleta mula sa India, Malaysia at Singapore.

Nakatakdang maging kinatawan ng bansa si Lawandia sa Asian Masters Athletic Championship na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Nobyembre 28 hanggang Disyembre 9 ng kasalukuyang taon.

Tumanggap si Lawandia ng iba’t-ibang insentibo mula sa lokal na pamahalaan dahil sa karangalang kanyang natamo.