-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN -Naniniwala si Aice Pitel, Bombo International News Correspondent sa Israel na hindi kagagawan ng militar ng bansa ang napaulat na nagpasabog sa isang hospital sa Gaza.
Aniya, ang naitalang pag-atake ay mula sa kamay ng Islamic Jihad.
Ang grupong ito ay mga terorista na matagal na umanong nagtatago mula sa mga tao.
Ikinalulumo naman nito na marami sa mga inosenteng indibidwal ang nadamay at wala pang eksaktong bilang ang mga otoridad kung ilang sibilyan ang nasawi ngunit umaabot na umano ito sa humigit kumulang 500 katao.
Ito na umano ang ikalabing isang araw simula nang umatake ang grupong Hamas at higit na apektado na ang normal na kalakaran ng mga residente kabilang na rito ang kanilang mga hanapbuhay at ekonomiya ng bansa.