-- Advertisements --
image 506

Nanawagan ang isang mambabatas na magtulungan upang makamit ang layunin ng pamahalaan na mapabuti ang buhay ng mga magsasaka partikular na ang mga coconut farmes at ang industriya nito.

Ginawa ni Senator Cynthia A. Villar, chairperson ng Senate agriculture, food and agrarian reform committee, ang panawagan sa ginanap na Agricultural Training Institute (ATI) Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) Planning Workshop Quezon City .

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Villar ang Republic Act No. 11524, o ang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act”, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Pebrero 26, 2021, at nagkabisa noong March 13, 2021.

Aniya, nilikha ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund (CFITF) na nagsisiguro sa pagpopondo ng P80 billion para sa susunod na limang taon.

Ito ay pakikinabangan ng 2.5 milyong coconut farmers pati na sa industriya nito.

Giit ng senadora na ang batas ay paraan upang gawing modernized at industrialized na sektor ng niyog sa Pilipinas.