-- Advertisements --

Isinusuong ng isang mambabatas ang paglikha ng national framework para sa pangangasiwa ng mga pinagkukunan ng tubig sa ilalim ng panukalang Department of Water Resources Management bilang isang long-term solution para sa kakapusan ng tubig sa bansa.

Ayon kay Agri Partylist Representative Wilber Lee, magsasama-sama ang 32 ahensiya ng gobyerno kabilang ang National Irrigation Administration sa ilalim ng department of water resources management.

Sinabi din ng mambabatas na ang pagkakaroon ng epektibo at sustainable DWRM ay makakatulong sa bansa para maibsan ang epekto ng climate change, matiyak ang sapat na suplay ng tubig at makamit ang food security.

Maliban pa dito, sinabi ni Cong. Lee na maigting na makikipag-ugnayan ang concerned government agencies sa Department of Agriculture sa pagpapatupad ng short-term solutions para sa mga daing kaugnay sa suplay ng tubig kasabay ng paghikayat sa mga magsasaka para magtanim ang droought-resistant seeds at magpatupad ng cloud seeding sa mga lugar na tinamaan ng El Nino.

Kaugnay nito, hinimok ni Lee ang NIA na paspasan ang pagsasaasyos at pagkumpuni sa mga irrigation systems sa buong bansa.

Hinimok din ng mamababatas ang mga magsaska na mag-avail ng SURE aid program ng DA- Agricutural Credit policy Council.

Ang naturang programa ay para sa mga magsasakang apektado ng kalamidad na maaaring bayaran sa loob ng 2 taon nang walang interes.