-- Advertisements --

Mamimigay ng buhay na manok ang mga opisyal Cianjur regency, West Java sa Indonesia sa mga magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Ang nasabing programa ay para lamang mga may edad 45 pataas.
Sinabi ni Galih Apria, assistant police commissioner sa Pecat,
Indonesia, marami kasi sa kanilang mamamayan kasi ang takot at ayaw magpabakuna.

Naisipan nila ang nasabing programa para lalong makahikayat ng mas maraming magpapabakuna.

Mula kasi ng ilunsad ang programa ay dumami na ang mga mamamayan nila ang nagpahayag ng interest na magpabakuna.