-- Advertisements --

Naniniwala si Senate President Alan Peter Cayetano na kasunod nang ipaaresto ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa kasong ‘plunder’ ay may koneksyon rin ito sa umano’y impluwensya nakakaapekto sa pagiging ‘independent’ ng senado.

Panawagan ni Sen. Cayetano lalo na sa ‘minority bloc’ na makiisa sa pagtatanggol ng kalayaan at integridad ng senado sa gitna ng mga kontrobersiya.

Aniya’y mahalagang mapanatili ang pagiging ‘independent’ ng mataas na kapulungan ng kongreso kung kaya’t hiling na maresolba ang mga isyu sa loob ng institusyon nang walang panlabas na impluwensya.

Kanyang binigyang diin na hindi dapat nagagamit sa negosasyon pampolitikal ang legal na katayuan ng mga senador.

Maalalang sa rebelasyon ni Sen. Estrada ay inilahad niyang may mga alok na iwanan ang mayorya para lamang mabasura ang kaso.

Kasabay nito’y nabanggit din ng senate president na sunod-sunod na rin umano ang mga bantang pag-aresto sa ilan pang mga kasamahan tulad nina Sen. Chiz Escudero, Sen. Rodante Marcoleta at Senador Joel Villanueva.

Dahil rito’y hamon niya sa mga kapwa-mambabatas na panindigan ang institusyon ng Senado at hindi para sa interes lamang ng anumang alyansa sa pulitika.