CAUAYAN CITY – Tinaga at napatay ng isang misis na mayroong suliranin sa pag-iisip ang kanyang mister habang natutubog sa Purok uno, Barangay Balagan, San Mariano, Isabela.
Ang biktima ay si Nelson Manalo, 52 anyos, magsasaka habang ang pinaghihinalaan ay ang kanyang misis na si Imelda,50 anyos, kapwa residente ng Purok 1, Barangay Balaban, San Mariano, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Master Sgt. Rogelio Ignacio Jr. , tagasiyasat San Mariano Police Station na ang pinaghihinalaan ay mayroong suliranin sa pag-iisip.
Ang suspek ay nagtangkang magpakamatay at tinangkang sunugin ang kanilang bahay ngunit napigilan ng biktima..
Napuyat anya ang biktima sa pagbabantay sa kanyang misis na mayroong suliranin sa pag-iisip kayat nakatulog.
Natutulog ang biktima sa kanilang terrace nang biglang tinaga ng itak sa le-eg ng kanyang misis na nagsanhi ng kanyang kamatayan .
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa pinaghihinalaan dahil desidido ang kamag-anak ng biktima na sampahan ng kaso ang pinaghihinalaan.