-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang call center agent matapos itong naaresto sa isinagawang buy bust operation ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit kagabi, Enero 2, sa Brgy. Pajo lungsod ng Lapu-lapu kung saan nakumpiska ang P3.5 million na halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang naarestong high value individual na si Francis Conson Valendez alyas “ Akang”, 35 anyos at residente ng Brgy. Capitol Site nitong lungsod ng Cebu.

Ayon pa sa pulisya na makapagdispose pa si Valendez ng 50 hanggang 100 gramo ng shabu kada linggo sa mga lugar nitong lungsod at Lapu-lapu City partikular sa Barangay Pusok at Pajo maging sa mga kalapit na barangay.

Malaki pa umano ang posibilidad na magbebenta din ito ng droga sa mga kasamahan nito sa trabaho.

Dagdag pa, naaresto na umano ang suspek buwan ng Agosto noong nakaraang taon dahil sa ilegal na droga ngunit nakapagpiyansa.

Kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang isasampa laban sa naarestong suspek.