-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Muling nakapagtala ng 26 na panibagong kaso ng COVID 19 ang Isabela.
Dahil sa panibagong kaso umakyat na sa 447 ang active cases sa lalawigan.
Sa naturang bilang 16 ang mula sa Santiago City, anim sa Ilagan City, dalawa mula sa Cabatuan, habang tig-iisa sa San mateo, at Gamu, Isabela.
Siyam sa mga aktibong kaso ay mga returning Overseas Filipinos, labing-tatlo ang non-APOR, 52 ang Health Worker, tatlo ang pulis at 370 ang mula sa local transmission.
Nadagdagan naman ang mga gumaling mula sa nakakahawang virus.
Naitala ngayong araw ang 12 panibagong recovery ngunit sa kabila nito patuloy ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sundin ang mga panuntunang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan para manatiling ligtas mula sa virus.