CAUAYAN CITY- Muling nakapagtala ang Isabela ng 109 na kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan,109 ang panibagong kaso habang 34 ang gumaling.
Pinakarami pa rin ang Santiago City na may 30, sa karatig bayan nito na Cordon ay 12, Cauayan City na 11; 10 sa San Mateo, 8 sa Alicia, pito sa Quirino, tig-aapat sa Echague, Jones, Cabatuan, Luna at Mallig, 3 sa San Isidro, tig-dadalawa sa Angadanan at Tumauini at tig-iisa sa Aurora, Ramon, San Agustin at San Pablo.
Dahil dito, umakyat na sa 6,904 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 985 ang aktibong kaso at 133 ang nasawi.
Sa mga aktibong kaso ay 13 ang locally stranded individuals, 138 ang Health Workers, 20 ang pulis at 814 ang mula sa local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.