CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 29 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, mahigit 20 sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, 2 sa Cauayan City habang tig-iisa sa Ilagan City Cordon at San Manuel.

Magandang balita naman dahil 70 ang naidagdag sa mga gumaling kaya bumaba sa 439 ang aktibong kaso sa Isabela.

Sampo ang Returning Overseas Filipinos, 20 ang non-authorized persons outside residence, 40 ang Health Worker, 3 ang pulis at 366 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.