Nagpahayag ng excitement si Isabel Oli kaugnay sa pagbubuntis sa third baby nila ng asawa at kapwa celebrity na si John Prats.

Sa anunsyo ng 38-year-old actress, nakatakda niyang isilang sa July 2020 ang kanilang “new bundle of joy.”

Dahil dito ay hindi raw niya mapigilan na magpasalamat pa rin sa Diyos sa kabila ng pinagdaraanan ng bansa bunsod ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Oli o Maria Olivia sa tunay na buhay, ang publiko na manatili lamang sa kani-kanilang bahay.

Kung maaalala ikinasal ang celebrity couple noong 2015.

Ipinanganak ni “Mrs. Pratty” ang first child na si Lily Feather noong 2016, habang ang baby boy na si Daniel Freedom ay noong 2018.