-- Advertisements --
Nagpadala ng tulong para sa mga biktima ng pagbaha si Isabelle Daza.
Ito ay kahit nasa Hong Kong ay patuloy ang kaniyang paghikayat sa mga mamamayan para makatulong.
Sa kaniyang Instagram account, ikinatuwa nito dahil maraming mga mamamayan ang tumugon sa nasabing panawagan niya.
Kuwento pa nito na may mga tumulong sa kaniya kung saan nais sana nito ng pakainin ang mga ito ay sinabi na lamang sa kaniya na ibigay na lamang ito bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo.
Patuloy din ang panghihikayat nito sa mga kapwa celebrities na magsagawa ng relief operations mga nasalanta sa maraming bahagi ng bansa.