-- Advertisements --

Hawak na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga person of interest sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Matapos ang pagdating nito pasado alas-7:00 ng gabi ng Miyerkules sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Puerto Princesa, Palawan ay agad itong inaresto ng NBI.

Sinuutan naman ito ng helmet at bulletproof vest.

Sinasabing nasa edad ito mula 35-anyos hanggang 50-anyos.

Agad din itong pinosasan ng NBI at dinala sa kanilang detention facility.

Una ng sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na mayroong dalawang persons of interest na maaring mastermind na nasa likod sa pagpaslang sa broadcaster at sa umano’y middleman sa planong pagpatay kay Jun Villamor.