-- Advertisements --

Hindi bababa sa isang tao ang namatay sa nagngangalit na wildfire na sumiklab sa Texas Panhandle.

Ito ang kinumpirma ng isang opistal sa city of Borger ngunit gayunpaman ay hindi na nito idinetalye pa ang naturang impormasyon.

Sa ulat, sa ngayon ay nasa 850,000 ektarya na ng kalupaan ang tinupok ng wildfire sa bahagi ng north Amarillo, habang sa ngayon ay nasa 3% pa lamang ang nako-contain ng mga otoridad.

Mabilis ang naging paglawak ng apoy nang dahil sa malalakas na hangin, mataas na temperatura at tuyong damo na nagpapagatong sa apoy.

Ito ang dahilan kung bakit ito na ang itinuturing na pangalawa sa pinakamalaking wildfire na naranasan sa Texas na dahilan naman kung bakit napilitang lumikas ang mga apektadong residente.

Kaugnay nito ay naglabas na rin ng disaster declaration si Gov. Greg Abbott ay para sa 60 mga county kasabay ng paghimok sa mga Texan na “limitahan ang mga aktibidad na maaaring lumikha ng mga spark at mag-ingat upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay.”