-- Advertisements --

Tuluyan ng tinanggal ng sports brand na Nike si Kyrie Irving bilang kanilang endorser.

Kasunod ito sa kontrobersyal na kinaharap ng Brooklyn Nets star dahil sa anti-racism tweet nito.

Ayon sa kumpanya na hindi nila kinokonsenti ang ginawa ni Irving kaya minabuti na lamang nilang tanggalin siya bilang endorser.

Magugunitang pinatawan ng suspension ng NBA si Irving kahit na ito ay humingi na paumanhin dahil sa ginawa nito.

Taong 2011 ng kinuha ng kumpanya si Irving bilang kanilang endorser kung saan inilabas niya ang signature na Kyrie 1 basketball shoe noong 2014 habang siya ay miyembro pa ng Cleveland Cavaliers noon.

Sa social media naman ng 30-anyos na si Irving ay tila binalewala lamang nito ang nasabing usapin kung saan sinabi niya na walang presyong katapat ang pagiging malaya.