Sumailalim na si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving sa arthroscopic surgery upang ayusin ang impingement sa kanyang kanang balikat.

Matatandaang sinabi ng Nets na hindi na makakapaglaro ngayong season si Irving dahil sa nasabing injury.

Inaasahan namang magpapagaling na ang 27-year-old star mula sa operasyon.

Sa kanyang unang season sa Brooklyn, nagtala ng average na 27.4 points at 6.4 assists ang six-time NBA All-Star.