-- Advertisements --

Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving.

Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials.

Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles.

Matapos ang pahingi ng paumanhin ni Irving at ang pakikipag-usap kay NBA Commissioner Adam Silver ay pinayagan na itong makapaglaro.

Una ng pinatawan ng 8-games ban si Irving ng Nets dahil sa ginawa nito.