-- Advertisements --
Nagsama nang puwersa sina Kyrie Irving at James Harden upang pahiyain ng Brooklyn Nets ang karibal na New York Knicks, 117-112.
Kumamada si Irving ng 34 points habang nagposte naman ng kanyang ika-10 triple double ngayong season si Harden sa pamamagitan ng 21 points, 15 rebounds, at 15 assists.
Ito na ang ika-13 panalo ng Nets mula sa huling 14 na games sa kabila na hindi pa rin naglalaro si Kevin Durant bunsod ng strained left hamstring.
Para naman sa Knicks nabulilyaso ang big performance ni Julius Randle na nag-init pa ang ulo laban sa isang fan.
Nagtapos siya sa 33 points, 12 rebounds at six assists.