-- Advertisements --

Irrigation system project ng mga mag-aaral na Pinoy, nangibabaw sa Southeast Asian competition

ILOILO CITY- Puspusan na ang paghahanda ng tatlong mag-aaral sa Iloilo para sa Southeast Asian science, technology, engineering, and mathematics Education Fair and Exposition 2023 na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa buwan ng Marso.

Ito ay sina Guillane Marie Agreda, Chara Louise Joven, at Francheska Marie Loreña, Grade 8 students sa University of the Philippines High School sa Iloilo, na kinilala sa kanilang solar-powered drip irrigation system project.

Sa higit 400 na aplikante, pasok ang project ng tatlo sa Top 30 sa Stem Project Competition sa Southeast Asia.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Loreña, sinabi nito na inspirasyon sa naturang proyekto ay ang kanilang adbokasiya na na magbigay-alam tungkol sa tagtuyot o drought sa Pilipinas at sa potensyal na mga solusyon dito.

May working model umano sila ng solar-powered drip irrigation system na proof of concept para sa kanilang solution sa problema.

Ayon naman sa adviser na si Vicente Armones IV, maghahanap rin sila ng government agencies na maaring maging partner upang mapakinabangan ang proyekto pagkatapos ng kumpetisyon.