-- Advertisements --
Inumpisahan na ng gobyerno ang pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund o MIF.
Ito ang kinumpirma ni National Economic and Development Authority o NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon.
Sinabi nito na mahalaga na mabalangkas na agad ang IRR nito bago tuluyang malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos at tuluyang maging ganap na batas na ito.
Malaki ang paniniwala nito na mayroong ambag ang Maharlika Investment Fund sa pangangailangang sa mga gastusin ng bansa.
Kapag naipatupad sa batas ito ngayong taon ay maabot na ang target na upper middle income ng bansa sa 2025.