-- Advertisements --
Department of Justice

Nakatakda na umanong magpulong ngayong araw ang Anti-Terrorism Council (ATC) para sa “final deliberation” sa implementing rules and regulations (IRR) ng anti-terrorism law.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang IRR ay posibleng makumpleto na rin ngayong araw at maipa-publish na ito sa pahayagan.

Una nang hinimok ng kalihim ang mga otoridad na hintayin mun ang IRR bago ipatupad ang batas na naging epektibo pa noong buwan ng Hulyo.

Sumang-ayon naman dito sina Interior Secretary Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana pero ipatutupad daw ito sa oras na mayroong terrorist act.

Ang anti-terrorism law ay humaharap naman ngayon ng 37 petisyon sa Korte Suprema matapos kuwestiyunin ang ligalidad nito.

Base sa mga petisyon, posible umanong lumabag sa karapatang pantao lalo na ng mga aktibista ang naturang batas.

Sa ngayon, hindi pa nag-aanunsiyo ang kataas-taasang hukuman ng development sa kaso pero una nang sinabi na magkakaroon ng oral arguments.