-- Advertisements --

Inihayag ni Ireland Prime Minister Simon Harris na kinikilala ng Ireland, Norway, at Spain ang Palestinian state.

Ito ang inanunsyo ng naturang opisyal sa Gita ng nagpapatuloy na kaguluhan ngayon sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.

Ani Harris, bawat isa sa naturang mga bansa ay magsasagawa ng anumang uring hakbang alinsunod sa kanilang naging desisyon na magsisilbi aniyang makasaysayan at mahalagang araw para sa Ireland at Palestine.

Samantala, sa darating Mayo 28, 2024 nakatakdang pormal na kilalanin ng tatlong bansa Palestinian state.