-- Advertisements --

Gagawa ng hakbang ang Ireland sa mga susunod na linggo para kilalanin ang Palestinian state.

Ito ang inanunsiyo ni Irish Foreign Minister Micheal Martin.

Aniya, maghahain ito ng formal proposal sa pagkilala ng Palestinian state sa kanilang gobyerno sa oras na makumpleto na ang mas malawak na international discussions.

Sinabi rin nito na sa nakalipas na 6 na buwan mula ng sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas kaniya ng isinusulong ang mga diskusyon kaugnay sa pagkilala ng ibang mga bansa na sangkot sa peace initiatives.

Noong nakalipas na buwan, una ng inihayag sa isang joint statement ng Spain, Ireland, Slovakia at Malta na handa silang kilalanin ang pagiging isang estado ng Palestine.

Ang pagkilala sa Palestine bilang isang estado ay maaaring daan para ma matulungan ang mamamayan ng Gaza at West Bank at maisulong ang peace initiative na pinapangunahan ng Arab nation.

Kinondena rin ng Foreign Minister ng Ireland ang nagpapatuloy na pambobomba sa Gaza na ikinasawi na ng 33,360 Palestino na karamihan ay kababaihan at bata.