Umapela sa Pilipinas ang gobyerno ng Iraq na muling isaalang-alang at alisin ang deployment ban sa mga manggagawang Pilipino dahil binanggit nito ang pagpapabuti ng sitwasyon ng seguridad sa bansa.
Sinabi ng Deputy Minister of Health ng Iraq at pinuno ng delegasyon na si Khamees Hussein Ali na umaasa ang Baghdad na kumuha ng mas maraming manggagawang Pilipino, partikular ang mga nurses.
Sinabi niya na ang panig ng Iraqi ay kasalukuyang nakikipag-negosasyon sa pag-alis ng ‘red line’ sa pagitan ng dalawang estado, na tumutukoy sa kasalukuyang pagbabawal sa pag-deploy at status ng alert level sa bansa.
Sa parehong pahayag, sinabi ni Iraq Ministry of Labor and Social Affairs Advisor Adnan Kareem Salman na inimbitahan ng Iraqi side ang mga opisyal ng Pilipino sa Iraq at inaassess ang kasalukuyang sitwasyon doon.
Sa kasalukuyan, ang Iraq ay nasa ilalim ng Alert Level 3 kung saan may bisa ang boluntaryong repatriation advisory at deployment ban.
Kasalukuyang iminumungkahi ng Iraq ang pag-renew ng 1982 memorandum of agreement sa mobilisasyon ng mga manggagawa, na nagpapahintulot sa pag-deploy ng mga manggagawang Pilipino at Iraqi sa nasabing bansa.