Nagretiro na sa basketball national team ng Iran ang ex-NBA at 7-foot-2 big man na si Hamed Hadaddi.
Inanunsyo ng 38-year-old ang kanyang pagreretiro sa national team matapos ang kanilang laban kontra sa Lebanon, 73-81 sa nagpapatuloy sa FIBA World cup 2023.
Pinasalamatan din ni Hadaddi ang kanyang doctor dahil sa pagbuti ng kaniyang kalusugan at nakapag ambag sa national team sa World Cup.
Sa pagsisimula ng kanyang karera sa national team nakasungkit siya ng silver medal noong 2002 Asian Under-18 Championship at gold medal sa Asian U20 Championship.
Nanalo din siya ng bronze medal noong 2006 Asian Games at gold medals sa 2007 FIBA Asia Championship, 2009 FIBA Asia Championship, 2013 FIBA Asia Championship kung saan siya din ang MVP sa huling tatlong tournament.
Si Haddadi ang pinakaunang Iranian na nakapaglaro sa National Basketball Association (NBA).
August 2008, pumirma siya sa koponan ng NBA na Memphis Grizzlies bilang free agent at na-trade sa Toronto Raptors at kalauna’y na-trade sa Phoenix Suns.