Nahaharap sa kasong Direct Assault Upon Person in Authority ang Iranian national matapos sipain, suntukin at pasuin ng sigarilyo ang isang police officer sa Puerto Gallera,Oriental Mindoro.

Kinilala ni PRO-4 B spokesperson PSupt. Socrates Faltado ang banyagang si Feresteh Najafi Marbouyeh.

Si Marbouyeh ay residente ng Brgy. Sto. Niño, Puerto Galera.

Batay sa report ng PNP rumisponde lamang ang mga pulis batay sa tawag ng chairman ng Barangay Tabinay dahil nagwawala sa lugar ang nasabing banyaga.

Kaya dinala siya sa istasyon ng pulisya para imbestigahan pero mas naging bayolente ang banyaga at dito na sinuntok, sinipa at pinaso ng sigarilyo si PO2 Ferr Henrick Mangarin.

Dahil sa insidente nagsampa ng reklamo si Mangarin laban sa Iranian national.

Kasalukuyang nasa kustodiya pa ng Puerto Galera PNP ang banyaga.

Isasailalim ito sa inquest proceedings.

Nakadepende pa sa resolusyon na ilalabas ng prosecutors office kung idedeklara din itong undesirable alien.