-- Advertisements --
image 93

Nagbigay umano ng unprecendeted level ng military support ang Iran sa Russia ayo kay US national security council spokesman John Kirby.

Pagbubunyag pa ng opisyal na may mga ulat silang natanggap na ikinokonsidera ng dalawang bansa ang isang joint production ng lethal drones.

Sinabi pa ng US official na ang Iran ay isa ng top military backer ng Russia. Gumagamit umano ang Russia ng Iranian drones para sirain ang energy infrastructure ng Ukraine na nag-deprive sa milyun-milyong Ukrianians sa suplay ng kuryente at sa mahahalagang serbisyo.

Maaalala din naging tampulan ng pagkondena ang kooperasyon sa pagitan ng Russia at Iran kung saan inakusahan pa ng Ukraine ang Russia ng paggamit ng drones mula sa Iran para sa pag-atake nito sa Ukraine.

Inisyal ng itinanggi naman ng Iran ang pagbibigay ng anumang drones sa Russia subalit inamin nito kalaunan na nagsuplay ito ng ilang drones bago mag-umpisa ang invasion ng Russian forces sa Ukraine.