Ibinabala ng Islamic Revolutionary Guard Corp (IRGC) ng Iran na gagantihan nila ang mga umatake sa kanilang mga energy facilities.
Sinabi nila na walang nakamit ang US at Israel sa atake dahil pawang mga nasawi ay sibilyan.
Tinawag nila na isang kaduwagan ang hakbang na ito ng US at Israel.
Hindi naman natinag ang Israel kung saan magpapatuloy ng matagalan ang nasabing atake sa Iran.
Iniulat naman ng Red Crescent Society na tinamaan ang 65 na paaralan at 32 na medical facilities sa Iran.
Isa lamang ito sa 10,000 civilian sites na nadamay dahil sa walang humpay na pag-atake ng US at Israel.
Itinanggi naman ng US Central Command na tinatarget nila ang mga sibiliyan sa Iran.
Kinumpirma rin ng Iran na nasa 104 katao ang nasawi sa pag-atake ng submarine ng US sa kanilang barkong pandigma.
Ang IRIS Dena ay pinalubog ng US submarine sa Indian Ocean noong nakaraang linggo.
Ang ilang mga nakaligtas ay dinala ng mga Navy ng Sri Lanka.















