-- Advertisements --

Inihayag ni Iranian President Masoud Pezeshkian na handa silang tapusin na ang giyera sa pagitan ng US at Israel.

Paliwanag nito na basta pumabor sa kanila ang mga kondisyon na nakasaad sa peace deal na isinusulong ng US.

Nais din ito na hindi na mauulit pa ang nangyaring giyera.

Giit nito na hindi nila tatanggapin ang anumang alok na ceasefire dahil handa lamang nilang tanggapin ay ang tuluyang pagtatapos na ng giyera.

Hindi na rin sila sumagot sa 15 point proposal ng US dahil ito ay hindi makatarungan at iisang panig lamang ito.

Magugunitang makailang ulit na sinabi ni US President Donald Trump na nagkaroon na ng paguusap ang mga kinatawan ng US at Iran para sa isulong ang nasabing 15-point proposal.