-- Advertisements --

Ibinunyag ng Iran na kinumpiska nila ang isang oil tanker dahil sa iligal na pagpupuslit ng mga langis.

Pinangunahan ng Iranian Revolutionary Guard’s 2nd Marine Corps subalit hindi na binanggti pa ang pagkakakilanlan ng tanker.

Naglalaman ng mahigit 700,000 liters ng fuel o 4,500 barrel na nasabing tanker.

Ayon kay Ramadan Zirahi ang commander ng naval unit na ang mga nakumpiskang langis ay dinala na sa Bushehr at ito ay idinilever sa National Oil Distribution Company na Bushehr sa pakikipagtulungan na rin ng korte.

Nauna rito noong nakaraang buwan ay nakakumpiska ang Iran ng dalawang tanker na isang Panamanian-flagged at isang British tanker.