-- Advertisements --

WASHINGTON DC – Kinumpirma ng Pentagon na nagpakawala na ang Iran ng mahigit isang dosenang missile sa dalawang Iraqi bases.

Ang nasabing base ay pinananatilihan ng US troops na responsable sa airstrike na nakapatay sa top Iranian general Qasem Soleimani noong nakaraang linggo.

Ayon kay Jonathan Hoffman, Pentagon spokesperson, tinataya na ng kanilang mga tauhan ang pinsalang nalikha ng naturang pag-atake.

Tiniyak naman ng Estados Unidos na poprotektahan nila ang kanilang mga sundalo at mamamayan sa lahat ng paraan.

“As we evaluate the situation and our response, we will take all necessary measures to protect and defend U.S. personnel, partners, and allies in the region,” wika ni Hoffman.