-- Advertisements --

Ibinunyag ng US na naghahanda ang Iran na magsuplay ng mga weapons-capable drones sa Russia.

Ayon kay US National Security adviser Jake Sullivan na sinimulan na rin nilang isailalim sa pagsasanay ang mga Russian forces kung paano ito i-operate.

Dagdag pa nito na patuloy ang laban ng Ukraine sa Russia.

Ang nasabing mga drones ay ginamit na umano ng Iran sa Yemen para atakihin ang Saudi Arabia.