-- Advertisements --

Ikinabahala ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang anunsiyo ng Iran na mayroon na silang hypersonic missile na kayang sirain ang lahat ng uri ng defense system.

Ayon kay IAEA chief Rafael Grossi na ang nasabing anunsiyo ng Islamic republic ay lubhang nakakabahala.

Nararapat aniya na paigtingin ang pagbabantay sa Iranian nuclear program.

Isa rin ang Iran sa mga nagpadala ng mga drones sa Russia na ginagamit sa paglusob Ukraine.

Magugunitang inanunsiyo ni General Amirali Hajizadeh ang commander ng Islamic Revolutionary Guard Corps aerospace unit na mayroon na silang hypersonic ballistic missile.